Monday, February 13, 2006
naisip ko lang
pinuyat ulit ako ni gabriel kanina. ala sais na siya nakatulog. tanghali na tuloy ako nagising at siya hangang ngayon tulog. nakakatuwa. magkatabi na kami matulog ngayon. mahirap kasi kapag sa duyan. naiistorbo tulog nia pag dedede at papalitan ng "diaper". mamaya sa las piƱas na kami. sa isang lingo na kami babalik dito kina oma. ganun an magiging "set up" para walang lola ang magtatampo at parehong mapapalapit kay gabriel.mahirap talaga maging ina. ika nga sa patalastas masarap maging ina pero mahirap. totoo rin na ngayon mo "maappreciate" an sarili mong ina pag nagkaanak ka na. sa akin madami ng nabago. hindi ko na iniisip sarili ko, inuuna ko muna si kyan. pag gising sa umaga mukha na niya an pagmamasdan ko. iniisip kung mapapalaki ko siya ng maayos. gusto ko maging isang mabuting tao si gabriel at may takot sa Diyos. pangarap ko sa kanya ang makatapos at magkaroon ng magandang buhay. matagal pa yun, sa ngayon ang lagi kong pinagdarasal ay ang "saftey at good health" nila ng daddy niya.
totoo den na mas pipiliin ko na ako na lang ang masaktan huwag lang siya at kung may masakit sa kanya ay doble ang sakit na mararamdaman ko. ngayon nagdarasal na ko gabi-gabi. hindi na ako nakakalimot sa Diyos simula nga dumating si gabriel. Ipinapasa Diyos ko na den lahat at lubusan akong nagpapasalamat sa kanya.
10:56 AM |
0 comments
|



